11/10/15

Maikling Kwento: Pangako


“Kasama ng singsing na ito, ipinapangako ko sa iyo na araw-araw kitang mamahalin at aalagaan. Mamahalin kita ng buong puso at hinding hindi ko hahayaang masaktan ka. Araw-araw kong papatunayan sa’yo na ako’y karapat-dapat sa pag-ibig mo. At higit sa lahat, ipinapangako ko sa’yo na lahat ay gagawin ko para lamang pasayahin ka.” Ito ang lumabas sa pagitan ng mga labi ni Hephaestus habang nakakatitig sa babaeng kanyang iniirog, si Aphrodite. Base pa lamang sa kanyang pagtingin ay hindi na maipagkakailala na mahal niya nga si Aphrodite.
“Sa singsing na ito, pangako ko sayong ikaw ay aking aalagaan at mamahalin. Ikaw ay aking naging matalik na kaibigan mula pagkabata at pangako ko na ako ay mananatiling iyong kaibigan, kahit ano man ang mangyari.” Maligaya na sinabi ni Aphrodite. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at kontentong ngumiti. Oo, isa itong kasalang hindi ninanais at nabuo lamang dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang, datapwat siya ay masaya pa rin. At iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili.
Ang pari naman ay marahan na tumawa kasabay ng mga madla at maligaya na tumingin sa kanilang dalawa at itinapos na ang ceremonyang ito, “Sa kapangyarihang nakalaan sa akin, kayo ay aking binabasbasan na mag-asawa.”  
At sa mga binitawang salita na iyon, ay nagsimula na ang pagampan nila sa kanilang mga pangako.­
Dalawang buwan na ang nakalipas mula ang araw ng kanilang kasal. Maraming bagay ang nagbago, ngunit para kay Aphrodite, dalawang bagay ang nananatili, at hindi nagbabago: siya at si Hephaestus.
Sila ay nanatiling matalik na magkaibigan, hindi tunay na nagmamahalan. Pero siya ay nakuntento na dito. Kung tutuusin, siya nga ay masaya sapagkat nailigtas niya ang kanyang mga magulang sa pagkalugi.
Ang lahat ay naging maayos hanggang isang araw, may lalaking bumisita kay Aphrodite sa kanyang opisina na hindi niya inakalanb makikita niya muli. Si Ares, ang kanyang dating kasintahan.
“Ano ang ginagawa mo dito?” Pagulat na sinabi ni Aphrodite. Ngayon niya lang muli nakita si Ares. Nung nakita ni Aphrodite si Ares ay parang dinurog ang puso niya. Mahal pa rin niya si Ares. 
“Kinailangan kong makita ka kahit sa huling pagkakataon na lamang.” Ang sagot ni Ares. Minamahal pa rin niya si Aphrodite. “Pero hindi ako andito para gambalahin kayo. Anak ako ng isang hardinero, pero hindi ako basagulero.” Patawa niyang sinabi, ngunit maririnig mo pa rin ang bahid ng kanyang iniindang sakit.
Wala namang magawa si Aphrodite kundi sabihin ang kanyang pangalan. Silang dalawa dapat ang magkasama. Iyon ang plano. Iyon ang pangakong dati nilang binitawan sa isa’t isa. Pero hindi ito ang naayon sa kagustuhan ng daigdig.
“Alam ko na naman na kinailangan mong gawin to para sa pamilya mo. Kaya kahit masakit kakayanin ko. Aph, mahal na mahal kita. At dahil mahal kita lalayuan na kita. Kinailangan lang kita na makita sa huling pagkakataon.” Sinabi ni Ares na may mapait na ngiti sa kanyang mukha.
“Paalam aking mahal.” Sinabi ito ni Ares pagkatapos haplusin ang mukha ni Aphrodite, at tumalikod para umalis. Bago pa man siya humakbang palabas ay kinuha ni Aphrodite ang kanyang kamay at sinabi, “Teka, Ares, huwag ka munang umalis. Huwag mo muna akong iwan.”
“Hindi, Hephaestus maniwala ka sa akin, niloloko ka ng asawa mo.” Ang panglimang ulit na sinabi ni Helios sa tanghaling iyon.
“Helios, wala ka ngang ebidensyang mapakita sa akin. Hindi ako maniniwala hangang sa walang ebidensiya at hindi ko nakikita mismo. At tsaka, kilala ko si Aphrodite, hindi niya yan magagawa.” Halos walang emosyon na sinabi ni Hephaestus.
“Alam ko pero, Hephaestus, hindi ka ba nagdududa kung bakit halos lagi na siyang gabi ummuwi?”
Huminga ng malalim si Hephaestus at pikit mata niyang sumagot “Hindi, sige na, Helios, kailangan ko ng umalis. May miting pa ako.”
“Sige, good luck pala sa investors mo pare.” At sa sagot na iyon ay ibinaba na ni Hephaestus ang kanyang telepono at sa wakas ay humarap sa kanyang katabi.
“Athena, kamusta na ang imbestigasyon mo?” Kanyang tinanong na may blankong expresyon.
“Hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko sayo.”
“Halika’t umalis na tayo dito.” Pabiro na binulong ni Ares ito sa tainga ni Aphrodite, pero sa hindi inaasahan ay lumayo si Aphrodite kay Ares.
“Hindi. Hindi maaari.”
Si Ares ay umupo at umusog patungo sa kanya. “Oo, alam ko nagbibiro lang ako. Uy, ano’ng problema? Ano’ng bumabagabal sa’yo?”
Inalis ni Aphrodite ang kanyang mata na nakatingin kay Ares, takot na sabihin niya kung ano ang kanyang binabalak noong mga nakaraang araw.
“Kailangan na natin itong tigilan.” Nabigla si Ares sa sinabi ng kanyang kasintahan at biglang napatayo. “Bakit?”
“Hindi tama tong ginagawa natin sa mata ng Diyos. Ares, mahal kita pero aalis na ako.” Kanyang sinabi habang naglalakad patungo sa pintuan.
“Teka, huwag mo ka munang umalis. Huwag mo muna ako iwan. Pangako ko, mamatay ako pag-umalis ka.”
Hindi na niya kayang gawin ito, kaya binuksan ni Aphrodite ang pinto at umalis. Hindi na siya lumingon sapagkat alam niya sa kanyang sarili na kapag ginawa niya iyon ay babalik lang siya muli kay Ares at siya ay mawawalan ng lakas ng loob para gawin ang tama.
May katahimikan na pumagitan sa kanila. Ni isa sa kanila ay nagsalita, hanggang sa biglaang pagkakataon, nagsalita si Hephaestus. Isang pag-aamba ang namuo sa tiyan ni Aphordite nang kaniyang sinabi, "Aphrodite, kailangan kitang kausapin".
Siya ay sasagot na sana hanggang sumabat muli si Hephaestus ng isang tanong na tila nagpatigil sa hininga niya nang panandalian.
"Ano?" tanong ni Aphrodite nang may pangangamba. Tinitigan siya ni Hephaestus at nagtanong, "Mahal mo pa rin ba si Ares?”
"Bakit kailangan itong tanungin sa akin?" Ang kanyang boses ay sobrang nipis. Alam na niya, ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Aphrodite sa kanyang isipan.
Isang matamlay na ngiti ang lumabas sa mukha ni Hephaestus, "Mahal kita, Aphrodite. Talagang mahal kita, pero gusto ko lamang malaman kung mahal mo ako."
Sa isang pagkakataon, nawalan ng salita si Aphrodite. Ang kanyang pagtingin kay Hephaestus ay nakapagpalala pa sa sitwasyon. Ang pungay sa mata ng lalaki ay malinaw kahit na ang mukha nito'y tila walang pakiramdam. Ang lalaki na ito ang kanyang matalik na kaibigan, ang iisang taong hindi niya dapat saktan. Pero sa huli, siya ngayon ang rason kung bakit nasasaktan si Hephaestus.
"Oo Heph, mahal kita –“
“Pero alam ko na mas mahal mo siya kaya pakakawalan na kita. Mayroon nang mga papeles para sa ating paghihiwalay at ang kailangan lamang nila ay ang iyong lagda"
Nagulat si Aphrodite. Inasahan niya na magagalit ito. Inasahan niya na sisigawan siya nito at tawagin siya ng mga pangalang di kaaya-aya. Pero hindi.
"Ipinangako ko na gagawin ko ang lahat para pasayahin ka. Napapasaya ka niya, Aphrodite. At ayokong maging hadlang sa kasiyahan mo.”
"Paano ka Heph, ako'y..."  Pasimula siya sa kanyang sasabihin ngunit pinatigil na siya ni Hephaestus.
"Ayos lang ako. Ngayo'y pumunta ka na sa kanya." Himukin na sinabi ni Hephaestus.
Niyakap ni Aphrodite si Hephaestus at pagkatapos nito'y nagtung siya sa bahay ni Ares.
Oras na narating nya ang palapag ng silid ni Ares, napabuntung-hininga siya. Siyempre'y alam niya na noong huling beses na nakita siya ni Ares, siya ay lumabas ng pintuan. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Kaya nang hindi kumakatok, diretso siyang pumasok sa silid ng lalaki, ngunit lahat ng kanyang mga pag-asa ay nasira dahil sa kanyang nakita. Huli na siya.
Sapagkat doon sa silid na iyon ay si Ares na nakahalandusay mula sa kisame, patay. Tinupad niya ang kanyang pangako. "Pangako ko, mamamatay ako pag umalis ka."

 At sa lahat ng mga ito ang tanging nagawa lamang ni Aphrodite ay malutay at magmukmok.

No comments:

Post a Comment