8/22/15

Ploning

Halos lahat ng mga teleserye, pelikula, musika at libro sa mga panahong ito ay gumagamit ng Teoryang Romantisismo at ito’y natural lamang dahil halos lahat naman tayo ay nakaranas ng umibig at masaktan.  Nadama na natin ang saya na nabibigay ng pagmamahal pati na rin ang poot at duksa na ating nararama pag tayo’y nasaktan ng ating sinisinta. Pinapakita ng mga panitikan at mga “media arts” na gumagamit ng Teoryang Romantisismo ang kagandahan ng pagmamahal pati na rin ang mga nagagawa natin para lang dito.

Kadalasan kapag narinig natin ang salitang “romantisismo” bilang deskripsyon sa isang bagay agad nating naiisip na ito’y tungkol sa pag-ibig. Ngunit hindi lang tungkol sa simpleng pag-iibigan ang pokus ng Teoryang Romantisismo, ito rin ay tungkol sa pagtitiwala, kalungkutan, paghahangad, pagkakaiba-iba ng mga tao, at pag-asa. Binibigyan tayo ng Teoryang Romantisismo ng bagong pananaw sa mga emosyon tulad ng takot, pananabik, at pagkamangha. Ito rin ay nagbibigay sa atin ng pakiramdam ng kalayaan at kapayapaan, nagbibigay rin ito ng impresyon ng pagtakas sa mga problema natin sa mundo gamit ang pagpapakita ng kagandahan ng kalikasan.

Isa sa mga pinakamagandang halimbawa ng sining na gumagamit ng Teoryang Romantisismo ay ang pelikulang “Ploning” na “naka-set” sa isang probinsiya sa Cuyo, Palawan. Mula sa “trailer” pa lamang ng Ploning ay makikita na kaagad natin na ang pelikulang ito ay gumagamit ng Teoryang Romantisismo. Sapagkat ito’y nakasentro sa pagmamahal ng pangunahing karakter na si Ploning sa kanyang naging kasintahan na si Tomas, sa kanyang patuloy na pag-asa na babalikan siya nito, ang kalungkutan na kanyang nadarama, ang mga pananaw niya tungkol sa buhay. Lahat ng mga tauhan sa pelikulang ito ay may sariling pagkatao, pinakita ng pelikula ang kanilang mga nararamdaman at ang kanilang mga pangarap. Tinalakay rin nito ang kahalagaan at iba’t-ibang klase ng pagmamahal.

Ang Ploning ay isa sa mga pinakamagandang halimbawa ng paggamit ng Teoryang Romantisismo. Sa pelikulang ito ipinapakita ang lahat ng aspekto ng Romantisismo, hindi lamang ang typical na “pagmamahalan ng dalawang tao” kundi rin ang pagmamahal sa pamilya, sa kapwa, at sa kapaligiran. Ang pelikulang Ploning ay ang pagsasakatuparan ng totoong diwa ng Romantisismo na ang mga sining ay ginagawa upang  magbigay-sigla at pag-asa sa mga tao


No comments:

Post a Comment