8/22/15

Position Paper: Kasikaman, ang Kahinaan ng Bayan.


Kasakiman, ang anay na unti-unting sumisira sa ating bansa.

Bawat bansa ay may sariling mga problema. Isa na dito ang korupsyon. Halos lahat ng bansa ay unti-unting humhina dahil sa problemang ito. Hindi lang sa gobyerno, pati na rin sa iba’t-ibang mga aspeto. Isa na dito ang ‘rice smuggling’.





Panimula:
Kasakiman, ang anay na unti-unting sumisira sa ating bansa. Kahit sa ano mang aspeto, may mga tao paring lahat ay gagawin upang sila ay umangat o yumaman. Sa Pilipinas, maraming ganito ang ugali, politiko man o ordinaryong mamamayan. Dahil dito unti-unting humihina ang ekonomiya ng ating bansa at nawawalan ng kabuhayan ang mga manggagawa tulad ng mga magsasaka. Kasakiman, ang kahinaan ng ating bayan. Kasakiman, ang sanhi ng ‘rice smuggling’.

General Background:
Maraming mga taniman sa ating bansa, ngunit kinakailangan pa rin ng Pilipinas ang karagdagang bigas ng ibang mga bansa, tulad ng Vietnam, Thailand, at iba pa. Isa sa mga dahilan dito ay ang pagtaas ng populasyon ng ating bansa. Sa katuturan, halos 98 milyon na ang ating populasyon. 3.0% ang itinaas nito. Ngunit, hindi ito sapat na rason upang halos umasa na tayo sa ‘imported’ na bigas. Dahil naman dito may ibang mga Pilipino, na ginagamit ang problemang ito upang umangat ang kanilang buhay o yumaman. Nag-iimport sila ‘illegally’ at ibinebenta ito sa Pilipinas sa mas murang presyo. Dahil sa kahirapan naman ay itinatangkilik ng mga Pilipino ang ‘smuggled’ na bigas at hindi na pinapansin ang mga bigas na mula sa ating mga magsasaka. Sa katuturan, ayon sa mga datos halos bawat buwan ay may dumadating na 50,000 tons na ilegal na bigas at mula ng nagsimula ang administrasyong Aquino, tumaaas ang pursyento ng ‘rice smuggling’.
Gayunman, ang mga kawawa dito ay ang mga magsasaka. Dahil sa mga ‘smugglers’, hindi na nabibili ang kanilang mga bigas sa tamang presyo at nalulugi sila. Maraming mga taniman sa ating bansa, ngunit hindi ito nakakapag-gagawa ng sapat na bigas para sa ating bansa, dahil walang patubig sa kanilang mga taniman. Tulad na lamang ng Nampicuan, Nueva Ecija, na kaya sanang magtanim ng tatlong beses ngunit isang beses lang sila nakakapagtanim. Hindi naman makabili ang mga magsasaka dahil sa kakulangan ng pondo at hindi rin sila nabibigyan ng pondo ng ‘Department of Agrarian Reform’ (DAR). Kung magpapatuloy ang ‘rice smuggling’, tuluyang malulugi ang mga magsasaka at mas lalo tayong aasa sa bigas ng ibang bansa at sa kalaunan ay maididikta na ng mga ‘rice smugglers’ ang presyo ng bigas, kaya na nilang manipulahin ang presyo sa merkado.

Argumento:
Ang pagpupuslit ng bigas ay walang anuman kundi isang problema sa ating mga magsasaka, ang ating ekonomiya, at sa ating bansa. Oo, kailangan nating mag-import ng bigas dahil tayo ay walang kagamitan dahil sa kakulangan ng mga patubig sa Pilipinas. Ngunit hindi ito sapat na rason uoang tumigil ang ating gobyerno, dapat nilang gawin ang mga sumusunod. Una, ay ang pagtulong sa ating mga magsasaka. Dapat lang na bigyan sila ng lahat ng kanilang mga pangangailangan upang maaari silang makapag-saka ng maayos. Pangalawa, ay ang pag-aresto ng mga ‘smugglers’, upang sila’y matakot at tumigil sa pagpupuslit. Ikatlo, ay para sa mga Pilipino, dapat nilang iboto ang tapat at karapatdapat na mga pinuno. Dahil kung ginawa lang ng pamahalaan ng maayos ang kanilang mga trabaho ay hindi sana mangyayari ito. Napakaganda ko talaga. Ang ikaapat, ay para sa lahat ng Pilipino, politiko man o ordinaryong mamamayan, dapat  maging mapagbigay, hindi makasarili, at hindi sakim ang bawat isa sa atin.
Bukod pa diyan dapat ilagay ng Department of agraryo Reporma (Dar) ang kanilang buong pagsusumikap sa pagbibigay ng mga patubig sa mga taniman. Dahil, sa totoo lang, kung inayos ng Pilipinas ang mga problema tungkol sa kakulangan ng equipments para sa pagsasaka, ay hindi kailangan mag-import ng mga bigas. Sa halip, maaari tayong mag-export ng maraming bigas na makakatulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya ng sa gayon ay magkaroon ng mga trabaho ang mga Pilipino at para hindi na pumunta sa NCR ang mga asa probinsiya dahil ang ilan sa kanila ay minamalas lang (nagiging pulubi). Kung mangyari man ito ay walang Pilipinong maghihirap. Kaya samakatuwid, ang bawat isa sa atin ay kailangang maging mapagmahal sa kapwa at hindi makasarili upang maging matagumpay an gating bansa.

Pagtatapos:
Ang ‘rice smuggling’ ay isa lamang sa mga problema ng ating bansa. Hindi ako sangayon sa pagpapatuloy nito, dahil maraming Pilipino ang mawawalan ng hanap-buhay. Maraming maapektuhan at bababa ang ating ekonomiya. Ang ‘rice smuggling’, ‘Pork Barrel’, at kung ano-ano pa ay dahil sa kasakiman at kakulangan ng pagmamahal. Kaya dapat ay bumoto tayo ng mga nararapat ng pinuno. At higit sa lahat, dapat solusyunan na ng DAR ang ‘rice smuggling’ dahil kapag tumgal lang ito ang buong bansa ay maaapektuhan.

“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.” –John F. Kennedy




No comments:

Post a Comment